Tattoo ni Lovi Poe handog sa namayapang ama

NASA taping kami ng My Little Star at habang hinihintay namin ang tawag for another take ay nagkaroon kami ng pagkakataong nakatsika si Lovi Poe na isa sa mga bida ng hapon-serye ng GMA-7.

Maluwag ang kanyang black Venus-cut gown at napansin namin na mayroon siyang tattoo sa ibaba ng kanyang kili-kili na may nakasulat na ‘My Wings.’  Natanong namin siya tungkol dito at inamin nitong na sa kabilang gilid ay nakasulat naman ang “My Gravity.”

Nasabi namin sa kanya na kung buhay ang kanyang amang King of the Philippine Movies ay tiyak hindi nito magugustuhan ang pagpa-tattoo nito.  Aniya, kaya siya nagpa-tattoo ay bilang alaala ng kanyang namayapang ama dahil itinuturing niya itong ‘pakpak’ sa kanyang buhay dahil inspirasyon niya ito sa kanyang pamamayagpag sa kanyang propesyon bilang artista.  Ang ‘My Gravity’ naman ay pagpapa-alala sa kanya na panatilihin nakatapak ang kanyang paa sa lupa.  “Ginawa ko ito, that was three years ago after the death anniversary of my Papa.”

Inamin nitong hindi nagparamdam sa kanya ang namayapang ama mula nang pumanaw ito ilang taon na ang nakakaraan.  Kaya lang sa kanyang pagpanalo ng Best Actress sa Famas ay isang mensahe sa kanya dahil nataong ang pagtanggap ng acting award sa death anniversary mismo ng kanyang papa kamakailan lamang.

Speaking of ‘My Little Star’, nakadalo kami sa kanilang Christmas party at naging matagumapay itong naidaos sa Sofia Belivue Clubhouse sa may Capitol Hills, Old Balara Drive, Quezon City. Nakakatuwa dahil bisita lang naman kami pero kasama kami sa raffle at sa parlor games kung saan nanalo kami ng microwave oven.  ‘Yan ang spirit of Christmas!

Nandoon ang ilang bida lalo na si Jennylyn Mercado na talagang sinamahan ni Dennis Trillo.  They were a picture of a beautiful couple kaya lang medyo iwas sa amin si Dennis sa dahilang hindi namin alam.  Wala naman kaming naisulat na nega write-up sa kanya o wala naman kaming balak mamasko kundi gusto lang namin siyang makatsika dahil kasama siya sa pelikulang ‘Rosario’ na MMFF 2010 film entry ngayong Pasko.

Naging ‘feeling close’ kami sa aktor noong gumagawa pa sila ng movie ni Judy Ann Santos sa Regal Films.  Ang intensyon naman namin ay para makatulong man lang sa promo pero siya ang lumayo, dedma sa amin.

Wala si Lovi sa party at posibleng exhausted ang aktres dahil  tuloy-tuloy ang taping ng dalawang araw para may reserba na maipalabas sa hanggang Bagong Taon.  Pero prior dito, nakausap namin siya kung mayroon ba siya nagawang bagay na gusto niyang makalimutan at hindi na uulitin sa susunod na taon.

Aniya, marami pero hindi kami nabigyan ng kahit isa man lang bagkus, magagandang bagay ang gagawin nito.  Dagdag nito, hindi kabilang ang kanyang syotang politiko dahil sobrang

mabait sa kanya ito, isa itong magandang bagay na nangyari sa kanyang buhay.

Sa puntong ito, gusto namin pasalamatan ang kasamahan namin sa panulat na si Tonee Coraza dahil palagi kaming isinasalang sa nasabing hapon-serye at sa Beauty Queen.  Gusto rin naming pasalamatan ang production staff ng My Little Star dahil sobrang asikaso kaming mga press sa tuwing may appearance kami bilang reporter. A very prosperous 2011 sa lahat. Alex Datu

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply