Tax exemption para sa public school teachers, isinulong

ISINULONG ni Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon nitong Lunes ang panukalang huwag buwisan ang allowance at benepisyong natatanggap ng public school teachers sa malalayo at liblib na lugar.

“The difficulties of life in the rural areas, such as in transportation, lodging or insurgency problem, to mention only a few, have discouraged teachers to be employed there,” ayon kay Biazon, Chairman ng House Committee on National Defense and Security.

Kung maging batas ang kanyang House Bill 3584, ma-eenganyo ang mga guro na manatili sa kanilang trabaho, ani Biazon.

“It cannot be ignored that the tax exemption of the income of teachers will mean extra money for them to spare for their other needs,” dagdag niya.

Nakasaad sa Section 3 ng panukala na ang lahat ng allowances at benepisyo sa mga public school teachers, pati na ang mga nagtuturo sa state universities at colleges ay hindi isasama sa komputasyon ng gross income at magiging tax exempt sa ilalim ng Title 111, Chapter VI ng Republic Act 8424, o ng Tax Reform Act of 1997. Meliza Maluntag

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply