Taxi sinalpok ng tren, 1 patay,5 sugatan

ISA ang patay habang lima ang sugatan makaraang bumangga ang isang tren sa isang taxi na nagpumilit na tumawid ng railroad sa Pandacan, Manila, umaga ng Martes.

Batay sa report ng dzBB, papuntang hospital ang mga bata galing sa White Cross Children’s Homes sa San Juan City papuntang St. Lukes Medical Center para sa kanilang checkup na kailangan para sa kanilang adaptation  visa nang maganap ang naturang aksidente.

Sa inisyal na report sa radio, nakilala ang namatay na si Gemma Reyes, 17.

Ayon kay Sheila May dela Cruz, isa sa mga sugatan,  nagpumilit ang taxi driver na si Deogracias Fajardo, 60, na tumawid pa sa railroad kahit na may papalapit nang tren.

Pinigilan pa umano ni Dela Cruz na tumawid ng railroad si Fajardo ngunit hindi siya  pinansin nito.

Isinugod sa Ospital ng Maynila sina Dela Cruz, Glory Jean Camillas, Ronalyn Lozano, 10; Rachel Lozano, 8; at Regine Lozano, 6.

Ayon kay Senior Police Officer 2 Danilo Quiamzon ng Manila Police District Station 10, naganap ang naturang aksidente bandang 6 hanggang 6:30 a.m. sa kanto ng Laura at Carreon Streets.

“As reported by local village councilors, the passengers of the taxi were injured. One of them was a child,” ayon kay Quiamzonsa isang panayam sa DZBB.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply