Teenager, binaril pagkatapos ng Simbang Gabi, sugatan

SUGATAN na isinugod sa pagamutan ang isang 14-anyos na binatilyo matapos gulpihin at barilin ng hinihinalang nakabangga  niyang miyembro ng fraternity  matapos magsimbang gabi sa lungsod ng Marikina .

Kinilala ang biktima na si John Carlo Flores ng Paliparan, Barangay Sto. Niño, na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Amang Rodriguez Memorial Medical Centre.

Kaugnay nito,  patuloy na tinutugis ang hindi pa nakikilalang mga suspek na tumakas matapos ang insidnete.

Ayon sa report ng pulisya, naganap ang insidente bandang 5:45 ng umaga sa harapan ng  Our Lady of  Abandoned Church sa Barangay  San Roque habang papauwi ang biktima kasama ang kanyang girlfriend.

Hindi pa nakakalayo ang dalawa nang harangin ng hindi pa mabilang na mga suspek at agad na ginulpi saka binaril na tinamaan sa kanang palad na tumagos sa tiyan.

Dahil dito,  kasalukuyang nagsasagawa  ng masusing imbestigasyon ang pulisya para  mabatid kung ano ang naging ugat ng insedente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply