Tigil Paninigarilyo: Pinakamagandang regalo sa pamilya ngayong Bagong Taon

WALA nang gaganda pa sa isang regalo ngayong Bagong Taon kundi ang makatanggap ng isa mula sa puso.

Base sa pinakahuling ulat ng  Social Weather Station (SWS) survey, anim  sa bawat sampung Pinoy ay naniniwala na ang pinakaimportanteng regalo para sa kanilang mga minamahal ay hindi makikita o mabibili sa tindahan.

“The best gift you can give your family this New Year is to quit smoking and make your home smoke-free,” payo ng  health and wellness expert at  dating  Health Secretary, Dr. Jaime Galvez-Tan.

Ang tema na ‘Merry Christmas Coronary, Happy New Year Heart Attack’ ng  American Heart Association ay nagpapakita ng mabilis na pagtaas ng insidente ng atake sa puso sa holiday season.  Marami ang nagbabakasyon muna mula sa pag-eehersisyo at nagpopokus  sa labis na pagkain at pag-inom,  pagpupuyat o kulang sa tulog, at paninigarilyo na tila tambutso ang ibinubugang usok.

Ipinaliwanag pa ni Dr. Galvez-Tan na maliban sa high blood pressure, high cholesterol, diabetes, obesity at physical inactivity, ang paninigarilyo ay isa sa anim  na pangunahing dahilan  na nakapagpapataas ng panganib sa isang tao na dumanas  ng heart attack.

“Smoking damages the cells lining the blood vessels and the heart causing the arteries to harden and clog, which prevents blood and oxygen to flow to the heart leading to chest pains or worse heart attack.”

Impormasyong Pangkalusugan

Ayon sa health experts, mahigpit na ipinatutupad na sa ibang bansa ang paglalagay ng ‘graphics’ o drawing na babala sa masamang epektong dulot ng paninigarilyo sa mga kaha ng sigarilyo.

Dito sa ating bansa, maagang sumapit ang kapaskuhan sa taong ito nang magpalabas ng Administrative Order No. 2010-13 (AO) ang Department of Health (DOH) nag-oobliga sa lahat ng cigarette companies na maglagay ng ‘graphic health information’ hinggil sa nakamamatay na epekto ng paninigarilyo sa lahat ng  cigarette packs. Higit sa lahat,  ipinagbabawal ng AO ang paglalagay ng anumang impormasyon na maglilito sa publiko  na mas ligtas ang sigarilyo sa pamamagitan ng ‘labeling nito bilang  ‘light,’ ’medium,’ halimbawa.

”The DOH has yet to implement the order. To prevent the implementation of picture warnings, the tobacco industry filed injunction cases against the AO,” ayon sa DOH.

Pagtigil sa paninigarilyo, daan sa maayos na kalusugan

Alam mo ba ang ang usok ng sigarilyo ay nagtataglay ng  7,000 nakamamatay na kemikal na kapag nasinghot ay nagiging dahilan ng iba’t-ibang sakit kapwa sa naninigarilyo (smoker) at di-naninigarilyo (non-smoker).

Gayunpaman, ang pagtigil sa paninigarilyo ay ang pinakamahirap na gawin ng may 17-milyong adult smokers sa bansa.

Dahil ang pagsinghot pa lamang ng sariling usok mula sa iyong sariling sigarilyo ay nakapagdudulot na ng alalahanin…ang ‘passive smoking’ — ito ang nasisinghot na ‘secondhand smoke’ mula a smoker – isa pang isyu na dapat pahalagahan dahil makasasama kung mapababayaan.

Noong  2005,  sa isang survey na isinagawa ng National Nutrition and Health Survey (NNHeS), ipinakita nito na 78 porsiyento ng populasyon ay passive smokers, kabilang ang mga sanggol at bata.

Higit sa lahat, pinatunayan sa  2009 survey ng World Lung Foundation (WLF) at ang Paris-based International Union Against Tuberculosis and Lung Disease (The Union) na 1 sa 5 atake sa puso ay sanhi ng secondhand smoke.

Binigyang diin ni Dr. Galvez-Tan na kung talagang adik na at hindi na maiwan ang paninigarilyo, huwag magsigarilyo sa bahay.  Protektahan ang mga anak mula sa atake sa puso  at iba pang sakit na dulot nito mula sa walang humpay na paninigarilyo.

Sa United Kingdom at sa United States, ang maayos na pagpapatupad ng  ‘smoking bans’ sa mga pampublikong lugar  ay masasabing mabisang paraan ng pagbaba ng bilang ng mga inaatake sa puso.  Ang gobyerno ng Pilipinas din ay nagpalabas ng  Tobacco Regulation Act of 2003,  na nagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar at ang Civil Service Commission Memorandum Circular No. 17 of 2009, na nagbabawal sa paninigarilyo sa workplaces, lalo na sa mga tanggapan ng pamahalaan.

Ngayon, dahil ginawa na ng gobyerno ang trabaho nito, panahon na rin para gawin naman ang ating bahagi.  Sa panahong ito na patuloy na tumataas ang insidente ng atake sa puso, ang iyong buhay ang pinakamaandang regalo ngayong kapaskuhan at bagong taon.

May katotohanan ang kasabihan na ang pinakamagandang regalo ay nagmumula sa maliit na bagay.  At para sa smokers,  ito’y kasing simple lamang ng pagtatapon ng kanilang kaha o stick ng sigarilyo sa basurahan. Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply