Toll fee increase, nakaamba

NAPIPINTONG ipatupad ang karagdagang toll fee sa mga motorista na magdadaan sa South Luzon Expressway (SLEX) simula Enero 2011.

Ito ang ipinahiwatig nitong Linggo ni Julius Corpuz, tagapagsalita ng Toll Regulatory Board (TRB), kasunod ng ginawang pag-alis ng Supreme Court sa temporary restraining order sa implimentasyon ng 250-300% toll fee increase sa SLEX.

Ayon kay Corpuz, pinag-aaralan na ngayon ng TRB kung ilang prosiyento ang itataas ng toll fee. Iaanunsiyo ito sa mga susunod na araw, aniya.

“Defenitely, hindi ngayon Disyembre…malamang early next year”, ayon kay Corpuz.

Kaugnay nito, sinabi ni Isaac David, presidente ng South Luzon Toll Company, na hindi umano nila gustong pahirapan ang mga tao.

Subalit may capital umanong ginastos ang kompanya para sa pagsasa-ayos mga kalsada, ayon kay David.
Nilinaw rin ni David na hindi naman aabot sa P300 ang itataas ng toll fee mula sa P87 na binabayaran mula Alabang hanggang sa Sto.Tomas, Batangas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply