Toll hike sa SLEX, NLEX sabay-sabay sa 2011

PANIBAGONG pagtataas ng toll sa South Luzon Expressway (SLEX) at North Luzon Expressway (NLEX) ang sasalubong sa mga motorista sa Enero 2011.

Ito ang inihayag kahapon  sa ginanap na Pulong Balitaan sa Tinapayan ni Julius Corpuz, spokesman ng Toll Regulatory Board(TRB) .

Ayon kay Corpuz, nakatakdang magsagawa ng public hearing para sa hinihinging 2.38% increase sa toll fee sa NLEX sa Disyembre  15,at inaasahang makapaglalabas ng desisyon ang TRB bago matapos ang taon.

Gayundin sa hinihinging pagtaas ng South Luzon Toll Company para sa toll fee increase sa Alabang hanggang Calamba-Sto.Tomas, Batangas.

Napag-alamang isasama na rin sa desisyong gagawin ng TRB para sa toll increase sa SLEX ang bubuksan extension kung saan hindi na papasok sa main road ang mga motoristang lalabas sa Calamba exit patungong Sto. Tomas Batangas.

“Ikukunsidera  ng TRB yon dahil sa halip 30 minuto hanggang isang oras, magiging 7 minuto na lang ang kanilang byahe. Kapag nabuksan ang extension, ang labas mo ay sa Lipa na. Malulugi naman ang investor kung hindi natin isasama sa increase ng toll fee ang extension”, dagdag pa ni  Corpuz.

Maraming motorista ang sumusulat at humihiling sa TRB na buksan na ang naturang daan partikular na ang mga biyahero ng mga gulay at prutas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply