Trahedya sa Tuguegarao mula sa Christmas light

TSK! TSK! TSK! Grabe talaga ang sunog na naganap sa Tuguegarao City, Cagayan kahapon ng madaling araw.

Umabot sa 15 ang namatay sa sunog na nagsimula dakong ala-1:00 ng hatinggabi. Siyam, mga Bro, ang nursing examinees, limang miyembro ng pamilyang may-ari ng hotel at isa nilang kasambahay ang nasawi.

Sinasabing nasa 36 ang nag-check-in sa hotel na mga nursing grad na sana’y kumuha ng board exam kahapon din. Mabuti na lang at may mga gising pang occupant ng hotel at nagawang makatakas sa sunog.

Yung iba, gusto man nilang tumakas ay inabot na ng dila ng apoy at makapal na usok hanggang sa hindi na sila nakalabas nang buhay.

Dahil nagsimula ang sunog mula sa ikalawang palapag, may mga kumaripas ng takbo pataas ngunit sadyang minalas sila dahil tinupok ng apoy ang buong gusali.

Sa impormasyon, kahawig ng pinagmulan ng sunog sa bahay ni ex-Speaker Joe de Venecia sa Makati City ang sanhi ng sunog sa Bed and Breakfast Pension House sa Tuguegarao.

Christmas light.

Nahirapan at matagal na naapula ang sunog, mga Bro, dahil naman sa labis na  kakulangan ng mga bumbero na rumesponde.

As usual, narinig na naman natin ang reklamo ng mga bumbero kung gaano sila kasalat sa firetruck sa mga lalawigan.

At heto nga ang isang malagim na resulta.

Napakaunlad ang Tuguegarao City at sentro ito ng gobyerno at negosyo sa Region 2. Napakakapal din ang populasyon ng lungsod na ito ngunit sa pagkakaroon ng nasabing sunog, lumitaw ang isang malaking kakulangan nito: Firetruck.

Maging ang mga kalapit na munisipyo ay wala o kulang din sa mga kagamitang pamatay-sunog.

Dito natin naalaala si P-Noy. Magandang magproyekto si P-Noy ng firetruck sa bawat munisipyo para kung magkasunog man ang isa sa kanila, marami ang magtutulong-tulong sa pagliligtas ng buhay at ari-arian.

Pero dapat iwasang ipahawak ang salaping pambili ng firetruck sa mga heneral na sa oras na mahatulan na ng plunder, eh, saka lang mag-plead guilty sa mas maliit na krimen.

‘Di ba, Michelle Duriguez at Jun Cabalbag?

Sina Michelle at Jun ang instant reporters natin sa trahedyang ito.

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply