Trapik ‘di maiiwasan ngayong Kapaskuhan

INAASAHAN na ang trapik sa mga pangunahing lansangan at kalsada sa Quezon City kaya kahit pinaghandaan umano ito ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit ay hindi pa rin maiiwasang maranasan ng publiko.

Ayon sa QC Traffic, habang papalapit ang Kapaskuhan ay hindi maiiwasan ang trapik at pagsisikip ng mga pangunahing lansangan sa lungsod lalo na sa kahabaan ng Edsa, Commonwealth Avenue, Elliptical road, North Avenue, Quezon Blvd. Libis area at Cubao area kung saan maraming mga pribadong tanggapan at gobyerno ang nasa lugar.

Sinabi ng QC Traffic na isa sa mga dahilan nito ay dahil sa halos sunod-sunod na ang Christmas party at pagdagsa ng mga namimili.

Idinagdag pa nito ang mga night markets at mamimili sa mga mall at mga department store.

Dahil dito, payo ng QC traffic sa publiko na magbigay ng time allowance kung may pupuntahan sa mga naturang lugar dahil maaaring maipit sa trapiko. Santi Celario

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply