Tres por tres por dos na mga aksidente sa daan

KAILAN kaya titigil ang malas na mga aksidente sa daan? Kung mapapansin ninyo, mga Bro, tres por tres por dos ang mga ito.

Sa unang disgrasya sa South Luzon Expressway noong isang araw, tatlo ang namatay nang mawasak ang isang ambulansiya makaraang bumangga sa isang toll both doon. Maluba ring nasugatan ang ilang pasahero ng ambulansiya.

Sinundan ito ng pagkahulog naman sa bangin ng isang bus na galing Bikol patungong Maynila sa Pagbilao, Quezon. Tatlo rin ang namatay at marami ang nasugatan sa bus na nahati sa gitna nang bumagsak ito.

Hindi pa natapos ang mediamen sa pagre-report ukol dito, nagkaroon naman ng karambola ang tatlong motorsiklo at isang ambulansiya sa San Leonardo, Nueva Ecija. Namatay ang mga driver at pasahero ng dalawang motorsiklo habang kritikal ang sakay ng pangatlong motorsiklo.

Ang dalawang disgrasya ay magkatapat na sana. Pero may pangatlong disgrasya na nangangailangan ng asawa.

Nakupo, wala na po sana.

oOo

Sabi ng mga parak, gusto nilang maging zero casualty ang mga lansangan ngayong Kapaskuhan.

Kaya naman, todo sipag sila sa karoronda o katse-checkpoint kung saan-saang lugar. Maging sa mga superhighway na ginagawang race track ng mga mahihilig sa karerang nakamamatay at nakababaligtad ng sasakyan ay hindi nakaliligtas sa kanilang mga mata.

Pero may nakalulusot pa ring mga drayber na gumawa ng mga delikadong pagmamaneho.nagbubunga naman

Sa SLEX, kinukuwestiyon ng mga kamag-anak ng mga namatay ang pagiging kaskasero umano ng drayber kahit hindi emergency ang kalagayan ng pasyente. Pero maaari ring nagkadiperensiya umano ang preno ng ambulansiya.

Ang bus driver naman na nadisgrasya sa Quezon ay maaaring natukso raw sa ganda ng daan pababa at hindi na nakayanan ng preno ang salida ng sasakyan nang magkadiperensiya ito.

Natagpuan naman umanong walang suot na crash helmet ang mga nakamotorsiklo sa Nueva Ecija.

Nag-draw naman ang isang parak at isang sibilyan sa Paranaque City sa gitgitan ng trapik at patay na pareho ang mga iyon.

Pumalpak ang zero casualty pero sino-sino ang mga may sala?

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.

Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply