Trillanes: ‘Mag-sorry kay GMA? No way!’

WALANG paumanhing matatanggap si dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo mula kay Sen. Antonio Trillanes IV.

“No,” ang maigsi ngunit mariing sagot ng kalalaya pa lamang na senador nang tanungin siya ng mga mamamahayag nitong Miyerkules kung magso-sorry siya kay Arroyo.

Nanguna si Trillanes sa pagkilos upang pabagsakin ang Arroyo administration sa tinaguriang Oakwood mutiny sa Ayala Center sa Makati City noong 2003.

Ani Trillanes, di dapat silang magkita ng dating pangulo hangga’t maaari.

“As far as possible, we should avoid that encounter… In case that happens (we’re) civilized human beings, (but) it’s going to be awkward,” aniya.
Ngunit wala naman daw siyang personal na galit kay Arroyo.

Ani Trillanes, iyon ang kanyang naging kapalaran. “There is no personal animosity…I’m not a vindictive person.”

Sinabi ni Trillanes na wala siyang balak gumanti kay Arroyo, na isa nang kongresistang kumakatawan sa ikalawang distrito ng Pampanga.

Ayon sa senador, naging instrumento lamang ang dating Pangulo sa mga pagsubok sa buhay ng senador.

“Marami akong natutunan sa aking pagkakakulong at naging matatag sa lahat ng mga pagsubok sa aking buhay,” ani Trillanes.

Dahil napiit at hindi nahusto ang pagseserbisyo bilang kasapi ng Senado, nagpahiwatig kahapon si Trillanes na muli siyang tatakbo sa pagka-senador sa susunod national elections.

“Tatakbo tayo muli sa 2013,” pagdedeklara ni Trillanes sa mga mamamahayag.

Sa kasaysayan ng pulitika sa bansa, si Trillanes ang kauna-unahang nagwagi bilang senador habang ito nakakulong.
Noong 2003, kinubkob ng grupo ni Trillanes ang Oakwood Hotel sa Ayala Center sa Makati City upang pabagsakin ang administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Ernie Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply