Trillanes bantay sarado ng Senado

Kahit nakalaya na, bantay sarado pa rin ng Office of the Sergeant-At-Arms  si Sen. Antonio Trillanes IV matapos makalabas sa Camp Crame Detention Center nitong Lunes ng gabi dulot ng amnestiyang ipinagkaloob ni Pangulong Benigno Aquino III.

Sa kanyang paglaya, lubos na pinasalamatan ni Trillanes si Aquino kabilang ang kanyang pamilya at supporters na walang sawang naghintay at nagtiis sa kanyang pagdurusa ng mahigit pitong taong pagkakakulong simula noong Oakwood mutiny.

“I would like to express my gratitude once again to President Aquino and all those who made this amnesty possible. Likewise, I thank my family, friends and supporters who patiently stood by us through this long and difficult journey,” ayon kay Trillanes.

Tiniyak pa ni Trillanes na gagawin nito ang lahat ng kanyang magagawa upang maipagpatuloy ang sinimula nang umaklas laban sa dating administrasyon ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sanhi ng malawakang korapsiyon sa militar.

“Finally, to our countrymen, be assured of our unwavering commitment to selflessly serve our country and people. May God bless us all,” ani Trillanes. Ernie Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply