Trillanes, magso-sorry kay GMA? No way!

WALANG paumanhing matatanggap si dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo mula kay Antonio Trillanes IV.

“No.” Ito ang maigsi ngunit mariing sagot ng kalalaya pa lamang na senador nang tanungin siya ng mga mamamahayag nitong Miyerkules kung magso-sorry siya kay Arroyo.

Nanguna si Trillanes sa pagkilos upang pabagsakin ang Arroyo administration sa tinaguriang Oakwood mutiny sa Ayala Center sa Makati City noong 2003.

Ani Trillanes, di dapat silang magkita ng dating pangulo hangga’t maaari.

“As far as possible, we should avoid that encounter… In case that happens (we’re) civilized human beings (but) it’s going to be awkward,” aniya.

Ngunit wala naman daw siyang personal na galit kay Arroyo.

Ani Trillanes, iyon ang kanyang naging kapalaran. “There is no personal animosity…I’m not a vindictive person.”

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply