Trillanes pinayuhan ni P-Noy na bumawi sa mga botante

PINAYUHAN ni Pangulong Benigno  Aquino III si Sen. Antonio Trillanes na agad na bumawi sa mga taong nagtiwala ng boto sa kanya makaraang   pansamantala itong makalaya kamakalawa ng gabi.

Kailangan aniyang samantalahin ni Trillanes ang pagkakataon para gawin ang mga hindi nagawa sa nakalipas na tatlong taon bilang senador.

Sa ulat, nakalabas na ng PNP Custodial Center sa Camp Crame si Trillanes makarang pagbigyan ng Makati RTC ang hiling nitong pansamantalang kalayaan habang kinokompleto ang proseso ng amnesty.

Ayon sa Pangulo, ipinaglaban niya ang karapatan ng senador bilang pagbibigay halaga sa kanyang mandato na magsilbi sa taongbayan na bomoto sa kanya.

“Alam naman po niyo na ipinaglaban natin ang karapatan niya. Ang pagbibigay halaga sa mandato ng taongbayan sa kanya na gawin ang kanyang tungkulin. Sana po gamitin niya ang pagkakataon na ito, ‘yong mga hindi nagawa sa tatlong taon tungo sa pagsaayos po natin ng lipunan,” ani Pangulong Aquino. Kris Jose

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply