Trillanes, tatakbong muli sa 2013 polls

DAHIL napiit siya at nabawasan ang panahon sa mas epektibong public service, nagdeklara kaagad si Sen. Antonio Trillanes IV na tatakbo siyang muli sa pagkasenador sa susunod na midterm elections.

“Tatakbo tayo muli sa 2013,” ani Trillanes sa mga mamamahayag niitong Miyerkules.

Kauna-unahan si Trillanes sa kasaysayan ng bansa na nagwagi bilang senador habang nakakulong dahil sa kasong mutiny.

Noong 2003, kinubkob ng grupo ni Trillanes ang Oakwood Hotel sa Ayala Center sa Makati City upang pabagsakin ang administrasyong Arroyo.

Sinabi ni Trillanes na wala siyang balak gumanti kay Pampanga Rep. Gloria-Macapagal Arroyo dahil nagmistulang instrumento lamang ang dating pangulo sa mga pagsubok sa buhay ng senador.

“Marami akong natutunan sa aking pagkakakulong, at naging matatag sa lahat ng mga pagsubok sa aking buhay,” ani Trillanes.

Sa Senado, nagtungo si Trillanes sa kanyang tanggapan na hindi pa niya napupuntahan simula nang mahalal siya.

Doon ay binisita at binati niya ang kanyang staff na matiyagang ginagampanan ang kani-kanilang tungkulin kahit nakakulong ang mambabatas. Ernie Reyes

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply