Tropang Texters no. 1 sa Q-Finals

NASIKWAT na ng Talk N’ Text sa San Miguel Beer ang pangunguna sa quarterfinals ng 2010-2011 PBA Cup elimination round kasunod sa pagpapabagsak sa Air21 Express, 103-89 sa penultimate game sa Araneta Coliseum.

Pantay sa 11-3 win-loss slate ang Tropang Texters at San Miguel Beermen subalit nakalalamang ang tropa ni coach Chot Reyes sa crew ni head coach Ato Agustin sa quotient system na tangan ang 1.05 ng Texters kumpara sa 0.951 ng Beermen.

Kapwa tangan ng Texters at Beermen ang insentibong twice-to-beat sa pagsisimula ng laro sa Biyernes.

Itinumba ng Texters ang Air21 Express, 103-89 habang isinadlak ng crowd favorite na Ginebra Gin Kings ang Rain Or Shine Elasto Painters sa pang-walong puwesto sa iskor na 99-88.

Sa laro bukas, magbabanggaan ang Meralco Bolts at Rain Or Shine habang sisikaping makabangong-puri ang defending champion Alaska Aces (6-7) kontra sa Powerade Tigers (3-10) sa pagsasara ng kanilang elimination. RT

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply