Tropang Texters sasama sa Smart-Gilas sa FIBA Asia

MAGANDANG hakbang sa magiging desisyon ni franchise owner Manny V. Pangilinan ang panukala ni Ricky Vargas na dagdagan pa ng ilang player mula sa Talk ‘N Text ang Smart-Gilas Pilipinas sa pagsabak sa FIBA Asia Men’s Basketball tourney na nakaiskedyul sa Wuhan, Hubei, China sa Setyembre 2011.

Lumutang ang plano nang magkausap sina Mr. Pangilinan at Vargas, na isang pinagkakatiwalaang opisyal ng TNT noong Linggo sa Ynares Sports Center sa Antipolo City na kung saan naglalaro noon ang Tropang Texters kontra sa B-Meg Derby Ace Llamados sa panimula ng best-of-7 semifinals ng PBA Philippine Cup.

Malaki ang maitutulong ng mga karagdagang piling manlalaro mula sa Tropang Texters sa pagsama sa Smart-Gilas Pilipinas. Nauna ng nakalaro sa RP team sa Asian Games sa Guangzhou, China si Kelly Williams na naghatid sa pang-anim na puwesto ng pambansang koponan.

Ayon naman kay Vargas, nakahanda ang team na isakripisyo ang mapipiling player dahil sa kapakanan at karangalan ng bansa ang nakataya. Layunin ng pagpapalakas ng RP basketball contingent ay ang makatulong sa 2012 London Olympics. Radito Torres

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply