Turista sa Pinas tumaas ang bilang

TUMAAS ang bilang ng dumarating na turista, balikbayan at overseas Filipino workers nitong unang linggo ng Disyembre, ayon sa Bureau of Immigration (BI).

Umabot naman sa 6.1-milyon ang bilang ng dumating mula Enero hanggang buwang kasalukuyan base na rin sa data ng BI at inaasahang umabot ito ng walo hanggang sampung milyon.

Ayon kay BI airport operations division chief Lawyer Antonette Mangrobang, humigit-kumulang sa 200,000 pasahero ang naitalang pumasok sa bansa simula Disyembre 1 hanggang 7, at inaasahan pang dadagsa ang mga pasahero sa susunod na mga araw dahil sa Kapaskuhan.

Aniya, ilang prosiyento rin ng dayuhan ang hindi pinapasok ng bansa dahil sa mga kwestiyonableng dokumento.

Nagiging mahigpit din ang pagpapapasok sa bansa dahil nagiging jump-off point din ang Pilipinas para sa mga dayuhang nagtutungo ng ibang bansa.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply