Typhoid fever sa Cebu, 160 katao apektado

TINATAYANG 160 residente ng dalawang village sa Cebu ang hinihinalang mayroong typhoid fever.
Batay sa report ng dzBB’s, 30 sa 160 na residente sa Poblacion at Sta. Filomena village sa bayan ng Alegria ang isinugod sa hospital dahil sa naturang sakit.
Ayon sa local health authorities, nakitaan ang 160 residente na mayroong sintomas ng typoid kung saan nagpapa-checkup ang mga ito sa hospital dahil sa nakararanas ang mga ito ng isang linggong paglalagnat.
Hinihinala rin ng mga health authorities na ang kontaminadong tubig ang sanhi ng pagkakaroon ng sakit sa naturang lugar.
Nabatid na kumukuha na ang mga health authorities ng blood samples sa mga apektadong residente upang matiyak kung sila nga ay apektado ng typhoid.
Kaugnay nito, nagsasagawa ang Department of Health ng pag-aaral sa posibilidad kung magdedeklara sila ng typhoid outbreak sa dalawang nasabing village.
Ang Alegria ay itinuturing na fourth-class town na may populasyon a 21,699 katao.
loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply