Tyson, Stallone sa Hall of Fame

PASOK si Sylvester Stallone na gumanap bilang underdog boxer ng Philadelphia na si Rocky Balboa sa Hall of Fame gayundin sina Iron Mike Tyson at Julio Cesar Chavez.

Kabilang sila sa 12-member 2011 class sa induction ng International Boxing Hall of Fame and Museum.

Si Tyson na tinaguriang “baddest man on the planet” ay mayroong kartadang 19 professional bouts sa pamamagitan ng knockout, 12 sa first round.

Noong November 1986 ay pinabagsak niya si WBC champion Trevor Berbick dahilan upang makuha niya ang heavyweight title.

“I am honored,” pahayag ni Tyson. “The sport of boxing has given me so much, and it is truly a blessing to be acknowledged alongside other historical boxing legends because they paved the way for me, as I hope I have inspired others in this great sport.”

Si Tyson ay nakilala sa kanyang bilis at lakas na sumuntok kung saan pinatumba niya ang mga malalaking boksingero tulad ni Jesse Ferguson.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply