UFC 124: GSP, Koscheck mortal na magkalaban

NAGBABALIK sa kanyang sariling bakuran sa Montreal, Canada, ang two-time Ultimate Fighting Championship (UFC) welterweight champion na George St-Pierre (GSP) upang muling harapin ang mortal na katunggaling  si American Josh Koscheck sa UFC sa Linggo.

Buong pagmamalaking ihahatid ng Balls, tahanan ng UFC sa bansa, ang pinaka-aabangang St-Pierre vs Koscheck 2 ngayong Disyembre 12, Linggo, 11:30 am.  May primetime na 9 p.m. at same-day replay broadcast sa Studio 23,  11:30 p.m.

“GSP is one of the best pound-for-pound fighters in the world and Josh Koscheck is not the same fighter Georges fought last time. There is no doubt that this is a title fight between the two best 170-pounders in the world,” ani UFC® president Dana White.

Matatandaan na noong Agosto 27, 2007, sa UFC® 74, pinulbos ni GSP si Koscheck sa loob lamang ng tatlong rounds. Ngayong nabawi ni GSP ang kanyang titulo, nais ni Koscheck na hadlangan ito at talunin sa kanilang bakbakan.

Noong Setyembre 23,  si GSP,  kilala bilang isang “well-rounded” fighter, ay bumisita sa bansa. Ilan sa pinakamagandang laban niya ay nang talunin niya sina BJ Penn at UFC® hall-of-famer Matt Hughes.

Huwag palampasin ang mga pinakamainit na bakbakan sa UFC.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply