UFC 124: GSP nagpasaklolo kay Freddie Roach

HUMINGI ng tulong si UFC supertar Georges St Pierre  sa sikat na boxing trainer na si Freddie Roach ng mas maaga bilang paghahanda sa nalalapit nilang salpukan sa welterweight title sa UFC 124 ni Josh Koscheck.

Ayon kay Roach, humubog kay Filipino Manny Pacquiao upang marating ang rurok ng tagumpay, na tagahanga rin siya ng mixed martial arts at hindi siya galit sa sports na ito at handa siyang turuan si St. Pierre ng teknik sa boksing gaya ng itinuro niya kay Pacman.

“They want me to hate MMA, but I don’t. I really respect the athletes, because that’s what they are,” ani trainer Roach.

Ayon kay Roach may inihanda siyang stand-up strategy para sa laban sa Sabado (Dec 11)  kay GSP upang talunin si Koscheck na kilalang may pamatay tatakot na “overhand right.”

“I trained George in the Philippines for two days, too, he’s one of the best students I’ve taught. You teach him something and he learns it overnight,” kwento ni Roach.

Gaya ni GSP, dumaan rin sa kamay ni Roach ang mga mahuhusay na MMA fighters gaya nina  Anderson Silva, at Andrei Arlovski.

Humanga naman si Roach sa pagiging seryoso ni GSP sa ensayo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply