Umiwas tumakbo sa mga ospital at punerarya dala ang mga paputok

HABANG nagpipiyesta tayo sa Kapaskuhan, kabilang na ang paparating na Bagong Taon, bisi naman sa kakaabang sa atin ng mga doktor, ospital, embalsamador at punerarya.

Ito’y dahil sa mabilis na dumarami ang mga napuputulan ng mga daliri, nabubulag at namamatay dahil sa mga paputok at pagpapaputok ng baril ngayong Kapaskuhan.

Habang tinitipa natin ito, Suki, nasa 180 na ang napipinsala sa paputok at bala ng baril.

Ang masaklap, dahil sa bilis ng pagdami ng mga biktima, inaasahang aabot ang mga ito sa bilang na nasa 1,000 katao.

Ang tanong ngayon, eh, gusto ba nating maisama sa mga biktima?
Siyempre  pa,  hindi?

Hindi hangga’t maaari dahil basta na lang may bumabagsak na bala o kuwitis sa ating bumbunan.

oOo

Kung talagang ayaw na-ting maisama sa listahan ng mga sisingilan nang mahal ng mga doktor, embalsamador, ospital at punerarya, marami tayong dapat na gawin.

Makatutulong, Suki, ang sampung utos na ito.

Una, huwag nang bumili at gumamit ng paputok at huwag nang magpaputok ng baril.

Ikalawa, kung gumamit man tayo ng mga paputok, dapat ang mga matatanda lang ang isalang dito at neber na hayaang magpiyesta rito ang mga kabataan.

Ikatlo, yang mga nakainom kahit hindi lasing at kumakain ng mga malalagkit na nagsisindi at naghahagis ng mga paputok ay dapat na mag-ingat.

Ikaapat, huwag na huwag  magpaputok sa loob ng mga bahay dahil baka kung ano ang mangyari.

Ikalima, huwag na huwag gawing bomba ang mga ligal na paputok sa pagbungkos sa mga ito nang pake-pakete.

Ikaanim, huwag gawing biro o itutok sa tao ang mga sinisindihang kuwitis, roman candle at iba pang lumilipad o may bumubuslong apoy.

Ikapito, maghanda ng maraming tubig para pamatay-sunog.

Ikawalo, huwag gawing kape o tsokolate ang pikolo.

Ikasiyam, higit na sundin ang kampanya ng Department of Health para sa iwas-paputok kaysa ang pagpapalago ng  Department of Trade and Industry sa negosyong ito.

Ikasampu, laging maghanda ng mga sasakyan para sa emergency patungong ospital, kahit pa ang mga para sa punerarya kung yan ang abeylabol .

Bahala na kayo sa iba, Suki.

oOo

Kung tutuusin, may magaganda namang dahilan para magkaroon ng mga paputok.

Simbolo ng tuwa, saya, tagumpay at pag-asa sa  buhay ang mga papuputok.

Kaya nga ginagamit mga ito sa Kapaskuhan, piyesta, binyag, kasal, anibersaryo at kung ano-ano pa.

Simbolo rin ng kalayaan ang mga paputok dahil nagmumula rito ang isang kapangyarihan laban sa mga dayuhang mapanakop.

Kabilang ang mga paputok sa mga ginamit na armas nina Gat Andres Bonifacio at Hen. Emilio Aguinaldo.
Natutunan ng ating mga ninuno simula kay Panday Pira ang paggawa ng paputok at paggamit dito laban sa mga kaaway ng bayan.

Subalit naging mapaminsala naman ang mga ito sa paglabag ng mga gumagawa at nagtitinda sa mga batas na pangkaligtasan kaugnay ng mga paputok.

Ano nga kaya, Suki, magpapaputok ba tayo o hindi, huh? Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply