Umuwi na si Luis, si Joma rin ba?

MALAKING development ang pag-uwi ni Luis Jalandoni sa Pilipinas pagkatapos ng mahabang taon ng self-exile.

Dumating sa bansa si Jalandoni ilang araw pa lang ang nakalilipas.

Nagkaroon ng pagkakataon na makabalik sa Pilipinas ang chief negotiator ng National Democratic Front (NDF) dahil sa kasunduang ceasefire o tigil putukan bilang paghahanda sa formal peace talks sa pagitan ng mga communists insurgents at ng pamahalaan ng Pilipinas na gaganapin sa Norway sa Perbrero sa susunod na taon.

Mukhang seryoso ang administrasyong Aquino na harapin na ng seryosohan ang usapin ng kapayapan sa pamamagitan ng maayos na pakikipag-usap sa mga rebelde. Sa napagkasunduang ceasefire na itinaon sa panahon ng Kapaskuhan malayang nakabalik si Jalandoni at ang kanyang asawa upang dumalaw at makita ang pamilya at mga mahal sa buhay, kaibigan at maging kanilang mga kasama sa pulitika.

Babalik at dadalaw din kaya si Jose Maria Sison, o mas higit na kilala sa tawag na “Joma” ang chief political consultant ng NDF na nasa self-exile din ng mahabang taon sa Netherlands? Malaking bagay ang ibig sabihin ng ceasefire na ito lalo na dahil Pasko.

Dahil nagpahayag na ang militar na igagalang nila ang kasunduan ng ceasefire pwedeng bumaba ng bundok ang mga komunista at tahimik at mapayapang makihalubilo sa mga kasiyahan ng holiday season kasama ang kanilang mga mahal sa buhay at mga kaibigan.

Iba’t iba man ang mga opinyon tungkol sa pag-uwi ni Luis Jalandoni na masayang nagpahayag sa airport pa lang na “we are happy to be back” hindi maikakaila na marami ang totoong umaasa na sana nga ay may patunguhan na ang pag-uusap tungkol sa kapayapaan.  Lahat naman tayo ay umaasa ng permanenteng solusyon at pangmatagalang kapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng NDF.

Feast of the Immaculate Conception

Nais kong batiin ang mga Marian devotees sa kapistahan ng Immaculate Conception ngayong araw na ito, December 8.

Naaalala ko pa noong estudyante pa lang ako sa Don Bosco School, iminulat na sa aming mga murang isipan ang kahalagahan ng araw na ito na masayang ipinagdiriwang ng mga Katoliko.

Ang Feast of the Immaculate Conception ay opisyal na idineklara ni Pope Pius IX noong December 8, 1854 na isang dogma sa paniniwalang Katoliko na ang ibig sabihin ay kung ang isang tao ay Katoliko dapat paniwalaan nya ng buong puso at angkinin na totoo at banal ang pagdadalantao ni Maria kay Jesus.

Mahalaga ang papel na ginagampanan ni Maria sa pagsamba ng isang Katoliko. Siya bilang Ina ng Mahal na Hesus ay maaaring mag-intercede para sa mga kahilingan hindi lamang ng mga deboto kundi lahat ng Katoliko sa Panginoong Hesus.

Katulad na rin sa pagpapahalaga natin sa isang ina sa isang pamilya, naniniwala ang maraming mga Katoliko na kapag si Maria na ang humiling kay Hesus ay hindi ito matatanggihan. Diba nga at malakas lagi ang nanay sa kanyang mga anak.

Kaya para sa maraming Katoliko kung ano man ang hinihiling at ipinapanalangin natin sa Panginoong Hesus mas malakas ang dating at chance na dagling maipagkaloob sa atin kung magpapatulong tayo kay Maria. Kaya binabati ko ang mga Marian devotees sa napakahalagang araw na ito.  Happy Feast of the Immacualate Conception to all.

Mag-text po kayo sa akin tungkol sa usaping ito sa 09215186724. O kaya ay email sa: ariel.inton@gmail.com. Ariel Inton

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply