Unang biktima ng paputok ngayong taon naitala

NAITALA ang kauna-unahang biktima ng paputok ngayong taon makaraang matamaan ang 12-anyos ng “five-star” na kanyang sinindihan sa lalawigan ng Rizal.

Ayon sa report ng dzBB, isinugod sa Amang Rodriguez Medical Center upang mabigyan ng karampatang lunas ang batang lalaki na nakatira sa San Mateo, naturang lungsod noong Linggo.

Ayon sa doktor ng naturang bata na hindi pinangalanan,  nagtamo ng minor injury ang kanyang kamay.
Batay sa inisyal na report, naglalaro ang naturang bata ng “five-star” noong Linggo nang bigla itong sumabog sa kanyang kamay.
Matatandaang unang nang napabalitang handa na ang mga government hospital sa posibleng pagdagsa ng mga pasyente na naputukan ng mga paputok kung saan 72 hospitals ang naka -white alert mula Disyembre 24 hanggang Enero 1.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply