US, di dapat makialam sa Spratly talks – China

BAGAMAT sinigurado ng China na gagawin nito ang lahat ng hakbang para mapanatili ang kapayapaan sa Spratly Islands, nanindigan ito na di dapat isama ang Estados Unidos sa negosasyon ng mga bansang naggigiit ng karapatan nila sa nasabing teritoryo.

(The US should) have no involvement in the negotiations as it would complicate matters,” ani Chinese Ambassador to the Philippines Lui Jianchao nitong Miyerkules sa isang panayam niya sa mga mamamahayag sa kanyang tirahan sa Makati City.

Ayon kay Liu, ang dispute sa pagmamay-ari ng Spratlys ay nasa bilateral level sa pagitan ng China at iba pang bansa na kasapi ng Association of Southeast Asian Nations. Kung gayon, walang papel umano ang US sa nasabing usapin.

“There should be no role given to the US in the negotiations. (The) dispute in Spratly islands is an issue between China and the relevant countries with claims (to Spratlys),” ani Liu.

Ang Spratlys na binubuo ng higit sa 750 na maliliit na isla, reefs, atolls, at cays, ay pinaniniwalaang mayaman sa oil at gas deposits.

Ang China,Taiwan, at Vietnam ang naggigiit na pag-aari nila ang buong Spratlys.

Samantalang ang Pilipinas, Malysia, at Brunei ay nagsusulong ng kanilang karapatan sa ilang bahagi lamang ng teritoryo.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply