US serviceman, tumalon sa building sa NAIA, patay

NAGPAKAMATAY ang isang Filipino-American serviceman sa pamamagitan ng pagtalon sa hagdanan ng isang gusali sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City nitong Lunes ng umaga.

Iniulat ng Philippines News Agency na nagpatiwakal si US Navy Lt. Comdr. Scintar B. Mejia, 35, isang araw matapos siyang arestuhin ng mga pulis noong Linggo dahil may dala umano siyang cocaine.

Pasakay na sana ng Philippine Airlines PR-112 si Mejia patungong Los Angeles nang hulihin siya ng mga awtoridad at ipasailalim sa kustodiya ng Police Center for Aviation Security (PCAS) office sa NAIA.

Nang sumunod na araw, nagpaalam si Mejia sa kanyang police escorts na pupunta siya sa palikuran ng opisina para umihi.

Ngunit dahil okupado ang comfort room, nakiusap si Mejia sa escorts niya na iihi na lamang siya sa labas ng PCAS building.

Pinayagan naman siya ng mga kasama niyang pulis. Ngunit habang lumalakad na sila, biglang tumakbo ang nakaposas na si Mejia sa may bandang hagdanan ng gusali at bigla siyang tumalon, una ang ulo.

Naganap ang insidente 5:20 ng umaga. Nagtamo ng malalang sugat sa ulo si Mejia. Sampung talampakan ang taas ng pinagtalunan niya.

Isinugod siya sa San Juan De Dios Hospital sa Pasay City matapos ang insidente. Binawian siya ng buhay doon ng 6:45 ng umaga.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply