Valerie Concepcion, ginawang extention ng PWNW ang Calayan event

BONGGA ang ginanap na launching kay Valerie Concepcion bilang pinakabagong celebrity endorser ng Calayan Surgicenter na ginanap sa sosyal na Hotel Intercontinental sa Makati City.

Inamin nitong isa siyang ‘prodigal endorser’ dahil ito ang kanyang pangalawang pagiging endorser ng nasabing klinika.  Bumabalik siya with a big bang at talagang pinatunayan nito na deserving siyang manalo ng dalawang beses bilang Best Talk Show Host sa Star Awards for TV.

Nagmistulang Pilipinas Win Na Win ang Christmas Party ng Calayans dahil sa sobrang pagka-identify ng TV host sa nasabing variety show ng Kapamilya lalo na sa pamimigay ng prizes through raffle.  Seksing-seksi siya sa kanyang black party dress at talagang umaalingawngaw ang kanyang mga halakhak na lalong nakakapagbigay sigla sa said event.

Ayon sa kikay sa pinakabagong celeb endorser, ina-avail nito ang service ng Thermofat Laser para mawala ang kanyang extra fat sa katawan at nakakatulong din ito ng malaki sa kanyang body toning at nag-avail din siya ng skin care para mapanatili nito ang kinis ng kanyang balat.

Natuwa naman kami nang nakita namin si Dra Pie Calayan na matagal nang na-miss ng lahat mula nang hinawakan niya ang operation ng kanilang sangay sa Beverly Hills.  Ayon sa kanya, masaya siya dahil maraming mga kababayan natin ang malaki ang tiwala sa kanila kaya naman araw-araw ay puno ito ng hindi lamang mga Pinoy client kundi pati mga Kano at ibang lahi.

Napag-alaman namin sa kanya na siya ang gumamot kay Hubert Webb noong bago lamang itong nakulong sa sakit na asthma na dulot ng maruming kapaligiran sa loob ng kulungan.  Nagkaproblema ang balat nito kaya siya ang kinuhang dermatologist ng mga Webb para lumasan ang sakit sa balat ng nakabilanggong Webb noon.

Matagal din ang gamutan at kaya nahinto ang panggagamot nito nang nalipat na sa Munti si Hubert.

Napag-alaman namin kay Dok Manny na umuwi lamang ang kanyang partner in-life para sa kanilang Christmas party for the press kung saan isinabay ang celebrity launching ni Valerie.  Isa rin itong pagpapatunay na mali ang balitang hiwalay na silang mag-asawa dahil masaya pa rin silang pamilya kasama ang kanilang tatlong anak na matataas ang mga grado sa kanilang pag-aaral sa USA. Si Hanna, yung panganay ay nag-aaral sa UCLA at sina Bernice at Andrea naman ay sa Beverly Hills High School. Kaya kung minsan ay wala sa bansa si Dok Manny ay dahil nandodoon naman ito sa kanilang Beverly branch at para na rin makasama ang kanyang pamilya.

Star-studded ang event dahil dumating ang mga celebrity endorsers ng Calayan at talagang left and right mga guest sa papiktyur sa kanilang mga paboritong artista.  Lahat ng press ay may dalang basket of groceries at ang iba ay nanalo ng malalaking prizes sa raffle.  At this point, we would like to congratulate Ms Vangie Cua, ang bagong PR Head ng Calayan at Lalen Calayan sa kanilang combined effort to make the event a very memorable moment sa lahat ng dumalo.

Speaking of Lalen, sobrang busy ang kanyang fiancee na si Selina Sevilla sa pag-distribute ng invitation card para sa kanilang wedding vow na habang tinitipa namin ang aming kolum ay katatapos lang nito na ginanap naman sa poolside ng nasabing hotel.  Ang balita, mula dito ay ikakasal na talaga sila sa USA sa susunod na taon.  Congrats and best wishes. Alex Datu

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply