Venus Raj, nakapagpagawa na ng bahay

MASAYANG ibinalita ni Venus Raj na nakapagpagawa na siya ng two-room house sa harapan ng dati nilang maliit na bahay!

“Binili ko ang lupa,” ani niya. Ang ginastos niya ay galing sa premyo niya bilang Binibining Pilipinas at 4th Runner-Up sa Miss Universe 2010 kung saan siya lalong nakilala sa sagot niyang “…no major, major problem” sa tanong kung ano ang naging problema niya sa buhay. Mula noon, palagi nang ginagamit ang “major, major” sa mataas man o mababang lipunan.

Galing sa mahirap na pamilya si Venus at nagsisiksikan silang limang magkakapatid sa maliit na bahay. “Alam naman ninyo ang pinanggalingan ko,” idiniin niya.

Nagkaroon ng interview sa kanya sa naganap na dinner party kamakailan ng Mercater Artist & Model Management sa Casa Pura, Quezon City.

“Ang aking karanasan ay patunay na hindi hadlang ang kahirapan sa pagiging beauty queen,” dagdag ni Venus.
“At masaya ang Pasko ko ngayon dahil makakasama ko ang aking limang kapatid at mararanasan ko rin ang makabili ng regalo para sa aking mga pamangkin!”

“Will she be in showbiz?”

“I would like to, but it depends on where opportunities will take me. Or I may do TV hosting or join the movie industry!” Her contract with Binibining Pilipinas Charity Foundation ends in September 2011. BPCF almost dethroned her because of an alleged error in the entry of her date of  birth.

“Sino ang gusto mong leading man?”

“I guess the producer and director will take care of that!” ngumiti si Venus.

Love life?

Tumawa lang siya. “Wala pang lumiligaw sa akin kahit ni isa. Bakit kaya?” siya rin ang nagtanong. “Baka mayroon din seguro,” siya rin ang sumagot. “Hindi lang nagpapahalata!”

Mapagkumbaba si Venus. ‘Yan ang isa sa kanyang “major, major” assets, at lalo siyang hinahangaan.

REY VALERA NABAWASAN NG SEX LIFE

Walang kakimi-kimi si Rey Valera, isang respetado at tanyag na composer sa bansa, na ibinunyag na nabawasan na ang kanyang sex life! Ang dahilan, sa kanyang paliwanang din, ay dahil sa pressure ng trabaho – ang kanilang mga singing engagements sa America at dito rin sa Pilipinas, at ngayon ay co-host siya sa Pilipinas Win na Win ng ABS-CBN. “You cannot love others unless you love yourself,” idinagdag ni Rey.

“Hindi mo maibibigay ang wala sa iyo!”

Katulad ni Marco Sison, Nonoy Zuniga at Rico Puno, nagpapasalamat sa TV network na binigyan sila ng pagkakataon kahit hindi naman sila talagang TV host.

“Si Rey lang ang composer na mahusay din na kumanta,” idinagdag ni Marco Sison.

Kasama si Pop Diva Kuh Ledesma, napag-usapan kamakailan ang kanilang ilulusand na consiyerto, “The Greatest Love Songs of Our Time: The Diva & Hitmakers.”

Gaganapin pa ito sa February 12-13, 2011 sa PICC Plenary Hall.

Maaga pa, ngunit iba na ang maagap, ani nila! Nardz Belen

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply