Wala na sa minimum ang sahod, dose oras pa!!!

PAKINGGAN natin ang reklamo ng mga guwardiya sa Magic Mall sa Urdaneta, Pangasinan.

Inirereklamo ng mga sikyu ng Magic Mall ang kanilang sahod na wala sa minimum at dose oras pa nilang binubuno ang duty.

Mantakin ninyo, wala na sa minimum ang  pasahod ay dose oras pang nagseserbisyo ang mga sikyu.

Dapat ay malaman ito ng butihing Labor Sec. Rosa-linda Baldoz.

Madam, pakibusisi nga ninyo ang hindi makatarungang pasahod sa mga kawawang sikyu natin.

Basahin ninyo, sekretaryo, ang nilalaman ng reklamo sa text message.

Gud pm, Sir Juan de Sabog,

Kami ay guard dito sa Magic Mall sa Urdaneta, Pangasinan. Nag-text  na kami sa inyo dati,

Hanggang ngayon ay hindi pa rin tumataas ang sahod namin na P183 pa rin sa dose oras naming binubunong duty. Ngayon, eh, December na naman. Ni wala rin kaming natanggap na 13 month pay. Kahit na bonus ay wala rin po.

Sana, sir, matulungan ninyo kami na mailapit sa Labor o DOLE ito. Maraming salamat po.

TONG-COLLECTION  SA PS2, GARAPALAN

Habang abala sa pagse-celebrate sa Kapaskuhan  ang mga tao ay abala din naman sa pangongolekta ang mga tong-collector  ni MPD-Station
2 Commander Supt. Ernesto Tendero sa mga pasugalan at mga vendor.

Ang mga pulis na nagsi-silbing tong-collector ni Supt. Tendero ay sina PO1 Clyde V. Hindi ko lang alam kung Clyde Villanueva o    Clyde Villar o Clyde Villareal ang tinutukoy na bagman ni Tendero sa paglikom ng tong-collection. Kasama ni Clyde V. sina Rolling Pulis, Kabayo at isang alyas Lando.

Ano ang ginagawa ni MPD Director Gen. Roberto Rongavilla para matigil ang walang habas na tong collection sa PS2?

Anomang reklamo o pu-na ay itext lang sa 09189-274764,09266719269 o email juandesabog@yahoo. com. Johnny Magalona

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply