Wala ring lovelife: P-Noy, walang holidays sa trabaho

WALA na ngang lovelife ay wala pa ring “holidays” kay Pangulong Benigno Aquino III lalo na sa Disyembre 24, bisperas ng Pasko at Disyembre 31, bisperas ng Bagong Taon.

Ang rason ng Punong Ehekutibo ay nakalagay iyon sa batas ng economic holidays na ipinalabas ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na kailangan lamang na sundin ngayon.

“Nakalagay na po ‘yan doon sa batas na ipinairal eh. So andoon na rin ‘yung detalye, pero palagay ko kasama ‘yon. Hindi ko lang alam kung hanggang saan ‘yung sakop,” anito.

At dahil tuloy ang trabaho ng Pangulong Aquino ay plano niyang bisitahin ang mga sundalo at pulis at mga naka-duty sa ospital sa mga araw na nabanggit.

“Nag-usap kami ni Executive Secretary (Paquito Ochoa) at ang parang lumalabas po yata, kami sa executive 24/7. Wala na po yatang bakasyon na ini-envision and we’re serious ‘no. I think there are activities that are also planned up to and including Christmas Day—‘yung visits, for instance, to hospitals of the regions. ‘yung mga…dadalawin ‘yung mga taong naka-duty nang araw ding ‘yon—ating kasundaluhan, kapulisan,” ang pahayag ng Pangulong Aquino.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply