Walang opensiba laban sa NPA – AFP

IPINAALALA ng liderato ng Armed Forces of the Philippines sa mga sundalo na walang gagawing opensiba sa harap ng paggunita ng Communist Party of the Philippine sa kanilang anibersaryo.

Ito ay bunsod pa rin ng umiiral na Christmas ceasefire, bagay na iginagalang umano ng AFP.

Sinabi ni AFP spokesman Jose Mabanta na pananatilihin ng military ang defensive mode at hindi dapat manguna sa paglabag ng ceasefire agreement.

Nilinaw ni Mabanta na nakahanda ang militar na idepensa ang mga mamamayan laban sa anumang panggugulo ng mga rebelde.

Hindi umano nagpapakasiguro ang AFP dahil duda sila sa control ng CPP-NPA-NDF leadership sa kanilang mga tauhan.

Kaya magsisilbing hamon umano ito sa mga opisyal ng Communist party of the Philippines na ipakita at patunayan ang commitment sa ceasefire declaration.

Samantala, hinarang ng mga pulis at sundalo ang isang convoy ng mga aktibista na patungo sana sa venue ng aktibidades para sa ika-42 anibersaryo ng Communist Party of the Philippines kahapon.

Tinatayang 30 na sasakyan ang pinigil ng mga pulis at sundalong nag-checkpoint sa lugar.

Ayon sa isang opisyal ng National Union of Journalists of the Philippines sa Butuan, walang rason upang i-hold sila ng mga otoridad dahil may karapatan umano ang media na kumuha ng mga balitang pwedeng malaman ng mamamayan.

Pumalag din si Gabriela-Caraga secretary general Atel Hijos na kasama sa convoy, sabay giit na isa itong paglabag sa ipinatupad na ceasefire. Hinamon ni Hijos ang mga otoridad na sundan sila kung gusto nilang sumaksi sa mga aktibidad ng makakaliwang grupo.

Ngunit iginiit ni Capt. Jack Contreras na bahagi lang sa kanilang daily checkpoint ang pagpigil sa mga sasakyan para sa inspeksyon at kung walang makikitang problema ay maaari na magpatuloy sa biyahe. RT Monitoring

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply