Walang tuition increase sa susunod na taon – CHED

SA harap ng pangamba ng mga estudyante, tiniyak ng Commission on Higher Education (CHED) na walang pagtaas sa tuition sa susunod na taon.

Ayon kay CHED Executive Director Julito Vitriolo, hindi ipasasalo sa mga estudyante ang operational expenses ng State College at Universities makaraang tapyasin ang budget ng mga ito.

Sinabi ni Vitriolo na nakipag-usap na si Higher Education Chairperson Patricia Licuanan sa Association of State Universities and Colleges (ASUC) at may pagkukunan naman ang mga ito ng gagastusin sa operasyon.

Nabatid pa kay Vitriolo na ibinalik na ng Senado ang  kinaltas na P110 milyon sa SCUs sa inaprubahan nitong national budget para sa susunod na taon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply