Walang Xmas tree, Xmas light at Noche Buena ang mga obrero

UMIIKOT tayo lagi kahit saan at nakikinig sa mga kuwento ni Juan.

Halos pare-pareho, Suki, ang ating naririnig at nakikita.

Ang kapuna-puna ay ang ating nakikita.

Walang gaanong kumukutikutitap sa gabi sa nakararaming tahanan.

Wataymen, sobrang dami ang walang krismas layt at krismas tri.

May nagsasabing wala silang pambili at meron namang may kakayahan.

Pero ang mga may kayang bumili ng krismas layt ay wala namang pambayad ng mataas na kuryente.

Kaya di bale na lang umano na walang krismas layt huwag lang madagdagan ang kanilang paghihirap dahil sa mahal na kuryente.

Yung iba, at marami ang bilang nila, ay nagsasabing kasisibak lang nila sa trabaho kaya hindi sila hapi sa krismas.

Karamihan sa kanila ang kontraktuwal na kapag nawalan ng trabaho ay wala ring separation pay.

Wala na ngang separation pay, pagbuklat nila sa rekord ng Social Security System, PagIBIG at Philhealth,
wala pala silang hulog.

Pero panay ang kaltas sa kanila para rito ng mga employer.

oOo

Bukas makalawa naman ay simula na ng simbang gabi.

Krismas na krismas dey na nga.

Suwerti, Suki, ang mga may inaasahan na pang-notse buena at may pangkrismas layt at krismas tri.

Pero sa atin ngang naririnig na daing ng marami, tuyo ang matitiyak nilang ihahain para sa kanilang mga pamilya sa bisperas ng Pasko sa liwanag ng ordinaryong ilaw.

Kalabisan ba sa palagay ninyo ang ating sinasabi?

Magandang tanungin ninyo ang inyong mga sarili.

oOo

Para maging malinaw ang ating talakayan, heto ang kalagayan ng nakararami sa mga obrero sa mga pabrika, opisina, mall, sakahan, asyenda, karagatan at iba pa.

Nasa 15 porsiyento lang sa mga pagawaan, pabrika, mall at iba pa ang sumusunod sa minimum weyds.

Sa trabaho sa mga sakahan, asyenda at karagatan, halos walang sumusunod sa minimum weyds.

Sa nasa 36 milyong obrero sa buong repablik ni Juan, nasa 3-5 milyon ang istambay.

Lumundag naman mula sa nasa 7 milyon sa 11 milyon ang biktima ng kontraktuwalisasyon.

Tanging ang mga pamilya-overseas Filipino worker ang may mapagsalu-saluhan.

Pero hindi ring ligtas ang marami sa kanila sa krisis sa buhay.

Isang problema nila ang sobrang taas nang presyo ng mga bilihin.

Ang marami sa mga nariritong obrero ay walang pambili, ke mura o mahal ang mga bilihin, kabilang na ang mga pang-notse buena.

Sino nga ba sa nakararaming obrero ang may masaganang Pasko, huh?

oOo

Siguro ang kalagayan ito ang dapat na pangunahing target na baguhin ni PNoy.

Nabigo lahat ng mga nauna sa kanya na iangat ang buhay ng nakararami.

Kung magagawa ni PNoy na sa susunod na Pasko ay may pambili na si Juan kahit malagkit lang at hindi tuyo o gutom sa notse buena na may krismas layt at krismas tri, sasaludo tayo sa kanya.

Sey niyo, Suki? Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply