Webb, et. al ibabalik sa kulungan

TIWALA ang dating prosekusyon na humawak sa Vizconde massacre case na mababaligtad ang desisyun ng Korte Suprema sa nasabing kaso at maibabalik sa bilangguan ang pangunahing suspek sa nasabing usapin.

May limang testigo na hawak ang Public Attorney’s Office (PAO) na magpapatunay na may kinalaman talaga ang  grupo ni Hubert Webb sa Vizconde massacre case.

Ayon kay PAO Chief Persida Rueda-Acosta, lahat ng mga nabanggit na testigo ay positibong nagtuturo sa grupo ni Webb na sangkot sa kaso.

Isa aniya sa mga nasabing testigo ay anak ng isang retiradong mahistrado na nakalaro ni Webb ilang araw bago naganap ang vizconde massacre.

Gayunman, ang problema ayon kay Acosta ay kung papayag ang mga nasabing testigo na magpasailalim sa witness protection ng DOJ kung sakali dahil sa hindi kaya ng PAO na bigyan ng seguridad ang mga ito.

Humarap sa media ang isang dating kababata at ahente ng NBI upang idipensa ang itinuturing na star witness sa Vizconde massacre case na si Jessica Alfaro.

Samantala,ayon kay Crisencio Nombres Jr., walang katotohanan ang nakasaad sa desisyon ng Korte Suprema na asset ng NBI si Alfaro.

Nilinaw ni Nombres na kababata niya si Alfaro, at nang mapunta siya sa NBI partikular na sa anti-kidnapping division ay madalas itong dumaaw sa kanya.

Aminado rin ito na dalawang beses na nakatulong si Alfaro sa kanilang 2 drug operation ngunit nagkataon lamang umano ito at hindi naman ibig sabihin ay ahente na ng NBI si Alfaro.

Ikinuwento rin nito sa media na  bilang isang mabuting kaibigan, nabanggit niya rito na may ipinahahanap sa kanya na isang tao kaugnay sa Vizconde massacre.

Dito na aniya sinabi sa kanya ni Alfaro na may alam ito sa nasabing kaso, na naging dahilan para ipakausap nya ito sa mga nakatataas na opisyal ng NBI sa pangunguna ni Atty. Arturo Figueras. Teresa Tavares

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply