Where does life begin? Tanong na nagpa-antala sa RH bill hearing

KAILAN ba nagsisimula ang buhay? Kapag ipinaglilihi na sa sinapupunan ang sanggol o sa panahon ng fertilization?

Ito ang mga katanungang nagpa-antala sa pagdinig na isinagawa sa Karama nitong Miyerkules ukol sa mga panukala sa reproductive health.

Labinlimang resource speakers sana ng House Committee on Population and Family Relations ang maglalahad ng posisyon nila ukol sa kontrobersyal na panukala na nagsusulong ng paggamit ng artificial birth control methods, bilang isa sa mga pamamaraan ng family planning.

Ngunit di agad nakapagsalita ang lahat ng resource speakers dahil sa nasabing katanungan.

Sa pagdinig, inulit ni Deputy Speaker Pablo Garcia ang kanyang posisyon ukol sa proteksyon ng Konstitusyon sa buhay ng ina at di pa naisisilang na sanggol simula ng ipagbuntis ito.

Kinontra ito nina Iloilo Rep. Janette Garin at Minority Floor Leader Edcel Lagman.

Ani Garin, ang diskusyon ukol sa pagsisimula ng buhay ay di dapat na sinimulan ni Garcia dahil ang paksang ito ay isasalang sa House committees on health and children affairs batay sa panukala ni Bacolod City Rep. Anthony Golez.

Samantala, ayon naman kay Lagman ang terminong “fertilization” ay sadyang di isinama ng Constitutional Commission sa teksto ng Konsitusyon dahil tinutulan nila ito bilang basehan ng pagsisimula ng buhay.

Kasama din sa pagdinig ang ilang grupo na tumututol sa Reproductive Health bill tulad ng Little Flower Foundation. Isa sa kinatawan ng grupo na si Erlinda Ortiz ay umawit pa upang ipahayag ang pagtutol sa panukala at nagbasa ng mahabang pahayag.

Nang umabot na ng sampung minute ang pagbabasa ni Ortiz ay pinigilan na siyang magpatuloy pa ni Biliran Rep. Rogelio Espina. Di naman tumalima si Ortiz. Ika niya, di siya puwedeng tumigil dahil ang binabasa niya ay mensaheng buhat sa Diyos.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply