Willie Revillame, newsmaker ng 2010

MASIGLA, makulay, maingay, at hitik sa kontrobersiya ang Pinoy Showbiz 2010.

Si Willie Revillame,  ang paglayas n’ya sa ABS-CBN at paglipat sa TV5. Mahirap pagdudahang si Willie ang No. 1 newsmaker ng Pinoy Showbiz 2010.

Kasi nga’y Mayo pa lang ay naging maingay na ang career n’ya dahil sa paghahamon n’ya sa ABS-CBN na kundi nito tatanggalin ang DZMM radio host at The Buzz segment host na si Jobert Sucaldito dahil sa umano’y paninira nito sa Wowowee sa kanyang programa sa radyo, siya mismo ang aalis bilang host ng naturang pangtanghaling show.

Tinugon ng network ang hamon ng Kapamilya nila sa pamamagitan ng pagsususpinde kay Willie indefinitely. Noong Hulyo, sa halip na pabalikin siya sa Wowowee, misteryosong sinibak ang show at pinalitan ng iba. Noong Agosto, bilang “ganti” sa ABS-CBN, ipinabatid ni Willie sa mundo na ibinabasura na n’ya ang kontrata sa network kahit na September 2011 pa ito dapat matapos.

Katwiran ni Willie, nilabag ng ABS-CBN ang kontrata nila sa ‘di nila pagpapabalik sa kanya sa Wowowee at sa pagsibak sa show sa paglaon kaya malaya na siya sa kontrata.

Noong Setyembre, ini-announce naman ni Willie na magkakaroon na siya ng show sa TV5 at magsisimula na ‘yon sa Oktubre (na natupad naman).

Noong Nobyembre, biglang ini-announce ni Willie na magiging co-host n’ya ang ex-girlfriend ni President Noynoy Aquino na si Valenzuela City Councilor Shalani Soledad. Nitong Disyembre, nagsampa ang ABS-CBN ng pangalawang demanda laban kay Willie, at sa pangatlong demandang ito ay kasali na ang TV5.

‘Yung unang demanda noong Agosto ay si Willie lang ang kinasuhan ng umano’y paglabag sa kontrata. Sa pangalawang demanda noong Setyembre ay ipinatitigil (sa pamamagitan ng temporary restraining order at permanent injunction) ang kung ano mang magiging show ni Willie sa TV5. Nitong Disyembre, copyright infringement na ang demanda, at hindi si Willie lang ang kinasuhan kundi pati na ang TV5 na co-producer ng Willing Willie.

Pero wala pa namang nagtatagumpay ni isa sa kaso ng ABS-CBN laban kay Willie at sa show kaya malamang na tuloy- tuloy lang ang ligaya roon hanggang 2011. Cesar Pambid

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply