Willie Revillame, sumugod sa Senado

HINDI magkamayaw sa katuwaan ang mga miyembro ng media noong Huwebes nang biglang dumating si Willie Revillame, host ng isa sa pambatong show ng TV5 na Willing Willie upang magbigay ng dagdag na kasiyahan sa Christmas Party ng Nacionalista Party para sa Senate media at sorpresahin na rin si Sen. Manny Villar.

“Kaya pala ayaw pa akong paalisin ng aking staff, darating pala si Willie. Actually, hindi ko talaga alam ito, nasorpresa ako,” kuwento ni Sen. Villar.

Suot ang simpleng attire, nakangiting pumasok si Willie sa Tanada Room ng Senado na pinagdausan ng party ng media na handog ng NP. Mula sa kanyang show na Willing Willie, dumiretso si Willie sa party, kasama ang kanyang mga seksing dancers, at sina DJ Cokie at Owen.

Ayon kay Willie, nagtungo siya sa naturang party upang pasalamatan ang media na tumutulong kay Villar noon at ngayon.

“Nagpapasalamat po ako at naimbitahan at naging bahagi ako ng inyong kasiyahan. Nagpapasalamat din ako kay Sen. Manny Villar sa lahat ng tulong na ibinibigay niya sa akin. Isa siyang tunay na kaibigan,” ayon kay Revillame.

Nagpasalamat din si Willie sa tulong ni Sen. Villar sa kanyang show, ang Willing Willie ng Kapatid Network, dahil galing sa Camella Homes ang bahay at lupang ipinamimigay sa kanyang show.

“Nagpapasalamat po ako kay Sen. Villar sa tulong na ibinigay niya sa ating programa. Sa kanya po galing ang bahay at lupa na ating ipinamimigay sa Willing Willie. Labing-dalawa pong bahay iyon na nagpapatunay lamang na kahit anuman ang nangyari, patuloy at patuloy ang kanyang pagtulong sa mahihirap,” ayon pa sa kontrobersiyal na TV host.

“Maraming salamat po Senador Manny,” pahabol pa ni Willie.
* *  *
Hindi kataka-taka kung ulanin man ng blessings si Kuya Daniel Razon ng UNTV na kilala rin bilang Mr. Public Service. Iba kasi kung tumulong si Kuya Daniel, siksik, liglig at umaapaw ‘ika nga kung magbigay siya ng ayuda sa mga kapospalad, kahit na ano pa man ang kanilang religious affiliations. Walang pinipili si Kuya Daniel, lahat ay buong puso niyang tinutulungan ng walang hinihintay na kapalit.

Kaya naman ang kapalit na biyaya nito ay sobrang dami rin. Matapos manalo ni Kuya Daniel sa nakaraang 24th Star Awards for TV ng PMPC bilang Best Male Newscaster para sa Ito Ang Balita at para sa kanyang pang-umagang programang Good Morning Kuya ng UNTV para sa kategoryang Best Morning Show, wagi ulit si Mr. Public Service sa nakaraang 19th KBP Golden Dove Awards para sa kategoryang Best TV Public Service Announcement.

Pero ang pinaka-winner at kapuri-puri sa lahat ay ang mga proyekto ni Kuya Daniel at ni Bro. Eli Soriano ng Ang Dating Daan  tulad ng free medical mission, libreng sakay sa bus, jeep at LRT, transient home na nagbibigay ng libreng temporary shelter at pagkain sa mga nangangailangan, libreng edukasyon via Dunong Gulong project (na ang mga estudyante pa ang pupuntahan sa kanilang lugar), pati na ang La Verdad Christian College na hindi lang tuition fee ang libre kundi pati uniporme, books, allowance at pagkain, plus, mayroon din silang jobs fair, libreng pakain sa mga batang kulang sa nutrisyon, pamimigay ng puhunan para sa munting simula na pagkakakitaan, at marami pang makabuluhang proyekto.

Kaya talagang hulog ng langit at natatangi ang mga katulad ni Kuya Daniel. Sana ay dumami pa ang katulad niya upang mas lalong maraming mahihirap at nangangailangan ang mabigyan ng tunay at walang pag-iimbot na pagkalinga. Nonie Nicasio

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply