Willie Revillame suportado ng sambayanan

MARAMI ang nagtatanong sa amin tungkol sa kasong isinampa ng ABS-CBN kay Willie Revillame. Iisa lang ang tono ng mga nagtatanong na halatang naiinis sa ginawa ng Kapamilya na nananahimik na si Willie kinasuhan pa nila.

Yes, uulit-ulitin naming nakatutok ang buong sambayanan sa Willing Willie sa ngayon kaya nakaramdam na naman ng sobrang insecurity ang mga execs ng Kapamilya Network.

Muling ngang humarap sa Makati Regional Trial Court si Willie Revillame at ang ABS-CBN ukol sa panibagong kasong isinampa laban sa host ng Willing Willie.

As of this writing, di pa tapos ang usapin at sadyang ni-reset sa ibang araw.

Nagkomento last Friday ni Willie ng: “Ako po ay  kinasuhan muli ng ABS-CBN  na ginagaya ko raw ang Wowowee. Eh, sino po ba ang Wowowee? Sino po ba ang nag-isip sa Wowowee?”

“Dati po ay sa Quezon City, ngayon sa Makati na, papalayo na nang palayo.  Samahan niyo po kami, pupunta kaming  lahat  doon, ako, kasama ng  aking  staff,  dancers at  crew. Lahat tayo,  ipaglaban natin ito,” paghingi pa ng suporta ni Willie.

Iginiit ni Willie na hangad lang daw niya na magpasaya ng mga tao. Tumatanaw din naman daw siya ng utang na loob sa ABS-CBN.

Kahit lumipat nga raw siya sa  TV5, hindi pa rin daw niya nakalimutang magpasalamat kina Mr.  Gabby Lopez at Ms. Charo Santos.

Dagdag pa ni Willie, marami siyang tinutulungan at pinag-aaral, kaya ganoon kabigat ang loob ng TV host sa haharaping panibagong kaso.

Humingi ng P127-M danyos ang ABS-CBN kay Willie dahil ginaya raw nito ang konsepto ng Wowowee  na pati ang kanyang Wil Productions at ang TV5, damay sa bagong kasong ito.

Depensa naman ni Willie, sa kanya raw galing ang karamihan ng ideyang pumatok sa Wowowee at  maging  dito sa Willing Willie.

Karamihan daw sa mga ito, siya nag-conceptualize, dahil ang kanyang tanging advocacy niya ay mapasaya at makatulong sa mga kababayan natin.

Nagpahayag na rin si TV5 President Rey Espinosa, na sa bagong kasong kinasasangkutan ni Willie, buo ang suportang ibinibigay ng TV5 sa host.

Samu’t saring opinyon at reaksyon ang naririnig mula sa mga nagmamalasakit kay Willie at may napanood pa kaming footage kung saan  galit at may hinanakit ang ilan sa muling pagsasampa ng kaso sa TV host.

Mahabang proseso man ang tatakbuhin ng kasong ito, umaasa pa rin ang marami na sa bandang huli, magkakaayos din ang dalawang kampo. Cesar Pambid

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply