Winner sa Grand Lotto 6/55 hindi pa rin lumilitaw sa PCSO

HINDI pa rin nagpapakita sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang nanalo ng mahigit P741 milyon jackpot sa Grand Lotto 6/55.

Batay sa panayam ng DZMM kay PCSO Chairman Margie Juico,  matagal na nilang hinihintay ang pag-claim ng nanalo pero hindi pa rin ito nagpapakita sa kanilang tanggapan.

Posible aniyang ipinagpapaliban pa ng ilang linggo ng nanalo bago kunin ang kaniyang premyo at hinihintay na humupa na ang balita.

May isang taon aniya ang nanalo mula sa petsa ng pagbola para kunin ang kaniyang premyo.

Inihayag ni Juico na sakaling hindi naman makuha ang premyo, mapupunta ito sa charity fund ng PCSO matapos rin ang isang taon mula sa draw date.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply