Wish List Sa 2011

TAUN-TAON, ugali na natin na maglista ng mga hangarin o gustong mangyari sa bagong taon. Heto ang ilan sa nasa wish list ko para sa ating bayan sa darating na taon:

1  .Mahinto na si Kurakot alyas pakimkim, balato, lagay, suhol, padulas, SOP, regalo, pangyosi, delihensya, pang-kain, porsyento, tongpats, “may 200 ka dito”

2.    Ipamahagi ang Hacienda Luisita at iba pang malalaking lupain sa mga magsasaka

3.    Dagdag na sahod sa mga mangagawa

4.    Pagreregularisa ng mga manggagawa at empleyadong matagal nang kontraktwal at lubos na pagtanggal sa iskemang kontraktwalisasyon 5.    Hanapbuhay sa mga walang trabaho

6.     Pagtataas ng sweldo ng mga pampublikong guro, narses, doktor at iba pang kawani ng gobyerno at pagkaltas ng malalaking sweldo at eskandalosong benepisyo ng mga managers sa GOCCs at iba pang institusyon ng gobyerno

7.    Moratorium sa demolisyon ng mga informal settlers habang nagpaplano ng on-site development ng kanilang mga komunidad para matiyak ang kanilang paninirahan

8.    Moratorium sa pagtaas sa presyo ng langis, LPG, singil sa tubig at kuryente

14.    Repasuhin ang disaster preparedness ng bansa at kagyat na ipatupad ang mga kinakailangang gawin para maging handa sa anumang disaster.

9.    Pagrepaso sa Visiting Forces Agreement tungo sa pagpapawalang bisa nito

10.    Pagtupad sa international standard para sa badyet sa health na dapat ay 5% ng GNP at badyet sa edukasyon na dapat ay 6% ng GDP. Sa 2011 ang badyet sa health ay 2.5% lamang ng GNP at edukasyon naman ay 3.2% ng GDP.

11.    Moratorium sa pagbabayad ng utang

12.    Paglaya ng lahat ng bilanggong pulitikal

15.    Katarungan para sa biktima ng Vizconde massacre

16.    Pagbuwag sa mga private armies

17.    Kataarungan sa mga biktima ng  Ampatuan massacre at iba pang biktima ng extra judicial killings

18.    Pagtugis sa mga milyunaryong tax evaders

19.    Pagbawas ng mga patung-patong na bayarin ng mga OFW sa gobyerno

20.    Pakikipagkasundo ng Pilipinas sa ibang bansa para sa proteksyon at kagalingan ng mga OFWs

21.    Maipasa ang RH bill at masimulan ang debate sa Divorce bill 22.    Mabilis at kagyat na pagrepaso at resolusyon sa mga kaso ng mga bilanggo sa buong bansa

23.    Last but not least, malitis at maparusahan si PGMA sampu ng kanyang mga alipores sa kasalanan nila  sag di ngayon, kailan pa?)

Kayo, ano ang wish list ninyo para sa ating mahal na Inang Bayan?
Ipadala ang inyong wish list sa  remate.tonight@gmail.com.

Mapayapa at makabuluhang bagong taon sa lahat! Liza Maza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply