Wish ni DJ Mo Twister, magka-GF ngayong Pasko

MALAKI ang pag-asa ni DJ Mo Twister  na ngayong Pasko ay magkakaroon na ito ng gf. Nakikita ng kampo ni DJ Mo na nagkakaroon ng maghandang resulta ang ginagawa nitong pagtitiyaga na panliligaw dito kay Rhian Ramos.

Hindi  itinanggi ng kampo ni DJ Mo na nililigawan niya si Rhian at mismo ang kampo ni Rhian ay hindi na ideny na nanliligawe nga sa kanya itong si DJ.

Pero hanggang doon lang daw muna sila sa ganung sitwasyon nila at wala pa ngang sagutan na nangyayari sa dalawa.

Obvious na din daw ang pagbibigay ng bunch of roses at chocolates ni DJ Mo dito kay Rhian at hindi naman itinanggi ito ng kampo ni Rhian.

Pero kung real score ng panliligaw ni DJ Mo ang pag- uusapan ay hindi pa maibigay ni Rhian kung ilang porsiyento ang pag-asa ni DJ Mo.

Sa ngiti naman ni Rhian sa pag- amin niya na nanliligaw nga sa kanya si DJ Mo ay parang mababanaag na malaki ang porsiyento na aasahan nitong si DJ Mo.

Kaya naman ang sagot daw na inaasahan ni DJ Mo sa panliligaw nito kay Rhian ay sa darating na Pasko.

Gravecious naman ang inaasahan ni DJ Mo na sasagutin na siya ng kanyang nililigawan na si Rhian.

Hindi naman daw kailangan na i-reveal agad kung ano ang status ng panliligaw ni DJ Mo kay Rhian.

Well, maging masaya kaya si DJ Mo sa darating na Pasko at masungkit na kaya niya ang inaasahan nitong matamis na oo ng dalaga?

Abangan!

MGA KILALANG PERSONALIDAD ANG MAGIGING NINANG NINA KRISTINE AT OYO SA KANILANG KASAL

HANDANG-handa na nga at wala na ngang makakapigil pa sa nalalapit na pagpapakasal nina Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto.

Mga kilalang personalidad ang magiging ninang nina Oyo Boy at Kristine at ilan lang at hindi napakarami ang kanilang kukunin.

Ready na nga ang lahat para sa nalalapit na kasalan at mismo ang kukunin na ninang na sina Charo Santos Concio at Malou Choa Fagar at ilan pang mga personalidad ay ayaw pang idetalye.

Ayaw naman ng bawa’t kampo nina Oyo Boy at Kristine na pagpiyestahan ang kanilang nalalapit na kasal.

Excited na nga raw na maging Mrs. Sotto itong si Kristine at nag-aaral naman itong si Kristine ng mga cooking lesson dahil gusto naman nito na siya mismo ang mag-alaga at magsilbi sa kanyang magiging mister to be na si Oyo.

Suportado naman ng mga magulang ni Oyo Boy ang nalalapit nitong kasal kay Kristine at nakikita naman nila na magiging maganda ang pagsasama nina Oyo Boy at Kristine katulad ng pagsasama ng kanyang Ate Danica at dyowa nito na si Pingris.

‘Yun na!

Abangan! Jovi Lloza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply