Wizards inilampaso ng Lakers

INILAMPASO kahapon ng Los Angeles Lakers sa tulong ni Kobe Bryant ang Washington Wizards sa iskor na 103-89.

Ayon kay Bryant, nainsulto pa siya sa hiyawan ng mga fans nang sumablay ang tira niya sa tres.

Ngunit aniya, hindi ito naging balakid para maipanalo nila ang larong iyon at hindi rin siya nasiraan ng loob.

“Never happened to me,” pahayag ni Bryant. “Never.”

Samantala, pinukpok ng Detroit Pistons ang Atlanta Hawks sa hard court dahilan upang maisukbit ang 103-80 victory kahapon.

Ang Detroit ay lumamang ng 49-37 sa halftime bago sinelyuhan ang panalo sa third hanggang quarter.

Kasabay nito, si Luis Scola ay kumana ng 23 points at 10 rebounds sa panalo ng Houston Rockets 118-105 victory laban sa Sacramento Kings.

Ginamit ng Rockets ang bilis sa huling part eng first half para matambakan ang Sacramento 33-24 hanggang sa third quarter bago siniguro ang kanilang tagumpay sa 4th canto. GP/ED

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply