Woods nalugmok sa World Challenge

NAGLAHO na ang pag-asa ni Tiger Woods na makakuha ng korona ngayong taon matapos siyang mabigo sa Chevron World Challenge sa Thousand Oaks, California.

Si Graeme McDowell ay giniba si Woods  sa playoff dahilan upang umuwing luhaan ang dating kampeon.

Iyon na sana ang huling pag-asa ni Tiger ngunit ang U.S. Open champion sa Pebble Beach at hero of year ng Ryder Cup sa Celtic Manor ay nangibabaw.

Sumablay kasi ang huling tira ni Woods sa 18th hole sa Sherwood habang pumasok ang tira ni McDowell sa 20-foot birdie putt.

Ayon kay McDowell, nahirapan din siya kay Woods ngunit kailangan aniyang may manalo upang malaman kung sino talaga ang mas magaling sa kanila.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply