World Junior bet sumasargo pa

NANANATILING buhay ang pag-asa ni Pinoy young cue artist Jonas Magpantay matapos manalo kay Hsu Ha-En, 9-6, ng Chinese Taipei sa loser’s bracket ng nagaganap na World Junior 9-Ball Championship kahapon sa Naples Ballroom of the Peppermill Hotel and Casino sa Reno, Nevada.

Bagama’t may nararamdaman pa rin pananakit ng ulo ang 16 anyos na si Magpantay ay nagawa pa rin nitong makipagdikdikan sa lamesa ng bilyaran upang makalamang ng 5-3 matapos ang eighth rocks.

Sa 10th frame ay naka golden break ang tubong Bansud, Oriental Mindoro na si Magpantay subalit hindi pa rin makalayo sa score nang makapuntos din si Hsu sa 12th rocks, 8-6 bentahe ng una.

May pumasok sa sargo ni Hsu sa 13th frame subalit dumikit yung 1-ball sa 8-ball kaya naman napahirapan ito para papasukin.

Matapos isablay ni Hsu ang 1-ball ay nilinis na ni Magpantay ang lahat ng bolo upang ayusin ang susunod na makakalaban sa loser’s side.

Susunod na makakalaban ni Magpantay si Jim Chawki ng Sweden na siyang nagpatalsik kay Billy Thorpe, 9-8 ng US.

Bago nakalaban ni Magpantay si Hsu ay tinalo niya muna si Pod Shognosh ng Canada, 9-4.

Samantala, patuloy ang pangingibabaw ni defending champion Ruslan Chinakhov ng Russia sa winner’s bracket.

Ang ibang nagwagi sa winner’s side ay sina Jesse Engel ng United States natinalo si Marcos Garcia ng Nicaragua, 9-5; Francisco Sanchez-Ruiz ay pinatalsik si Landon Shuffett ng United States, 9-6; at Roman Pruchai ng Russia ay pinayuko si Danny Olson ng United States, 9-4. Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply