Xmas ni Imelda masaya; ginang nagpakamatay

MAGIGING maligaya ang Pasko ni dating First Lady Imelda Marcos. Maibabalik na kasi sa kanya ang isa sa mga mansyong nasekwester matapos mapatalsik ang kanyang asawang si Ferdinand Marcos sa pagkapangulo noong 1986.

Nitong Lunes, nagdesisyon ang Korte Suprema na ibalik ang mansyon sa mga Marcoses.

Anang high tribunal, depektibo ang ginamit na order ng Philippine Commission on Good Government para kunin nito ang 42-ektaryang propyedad ng mga Marcos sa Leyte Island.

“This is indeed a very happy Christmas, and I will try to go to Leyte before this holiday season is over,” ani Imelda na naiyak sa tuwa matapos malaman ang desisyon ng korte.

Samantala, isang ginang naman sa Pasig City ang di na naghinatay pang maipagdiwang ang kaarawan ni Hesuskristo.

Pinili na lamang ng misis na wakasan ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa loob ng banyo ng kanilang inuupahang bahay sa Caliwag St., Brgay. Pinagbuhatan.

Di na naisalba pa ang buhay ni Jennifer Lucido y Dela Rosa, 30 anyos, walang trabaho, nang isugod siya sa hospital nitong Lunes.

Natagpuan ang bangkay ni Lucido ng kanyang pamangkin at kasama sa bahay na si Kinglee Icobante y Raymundo, 16anyos, bandang alas tres ng hapon.

Sa salaysay ni Kinglee sa pulisya, magkasama sila umano ng kanyang tiyahin sa loob ng bahay ng magpaalam ito sa banyo subalit lumipas na ang mahigit 30 minuto ay hindi na lumabas ito.

Nagpasya si Kinglee na puwersahang buksan ang pinto ng banyo kung saan tumambad sa kanya ang nakabitin na katawan ng biktima. Jun Ferrer

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply