Yao sisipain, Shaq hinagupit

MAY namumuo na umanong plano para sipain o i-trade sa ibang team si Houston Rockets center Yao Ming.

Kung masisipa umano si Yao sa grupo ay makatitipid ang management ng $8 million.

Subalit maghahanda naman ang sasalo sa kanya ng $17.7 million lalo pa’t mapapaso na ang kanyang kontrata sa Rockets.

Samantala, si Shaquille O’Neal ay pinagmulta ng NBA ng $35,000 matapos ang ginawang public comments laban sa mga reperi.
Una nang binatikos ni O’Neal ang mga referees kasunod ng pagkatalo ng Boston Celtics, 86-78 laban sa Orlando noong Pasko.

Nabatid na ikinagalit ni Shaq nang mapatawan siya ng  sixth foul nang bumagsak si Magic center Dwight Howard sa semento kung saan para silang nagre-wrestling.

“I just wonder why I’ve never gotten that call in 20 years. Don’t pick and choose when you’re going to make the call.… That’s what happens when you’ve got control freaks,” pahayag ni O’ Neal. Gilbert Perdes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply