Yes Pogi kampeon sa PCSO Presidential Gold Cup

TAPOS na ang hulaan kung sino ang susunod na kampeon sa prestihiyong event sa larangan ng karera.

Tinuldukan ni Yes Pogi ang nasabing usapin matapos tanghaling 2010 PCSO 38th Presidential Gold Cup champion noong Linggo na ginanap sa Sta. Ana Park sa Naic, Cavite.

Nakalista na si Yes Pogi sa kasaysayan ng mga nagkampeon sa nasabing pinakasikat na karera sa bansa nang tawirin ang meta ng may apat na kabayo ang distansya sa mga katunggali.

Nakopo ni Yes Pogi ang P1.5M na premyo na inisponsoran ng Philippine Charity Sweepstakes Office at karagdagang P1M na galing naman sa Philippine Racing Commission (PHILRACOM).

Bago nag-umpisa ang labanan ay top favorite si Yes Pogi na ginabayan ni veteran rider Manolito Fajardo Daquis na pag-aari naman ni Francis Lim.

Sa largahan sinunggaban agad nina two legs Triple Crown ruler Heaven Sent at 2008 PGC King Ibarra ang unahan habang dead last ang winning galloper na si Yes Pogi.

Pagpasok ng far turn ay mag-isa nang binabaybay ni 2008 Philippine Sportswriters Association (PSA) horse-of-the-year awardee Ibarra ang unahan habang nasa segundo puwesto si San Miguel-MARHO (Metropolitan Association of Race Horse Owners) Cup 2,000-meter Classic King Go Army at si Yes Pogi ay nasa hulihan pa rin.

Sa huling kurba ay unti-unti nang lumalapit kay Ibarra sina Go Army at ang bumubulusok na sina long shot entry Righthererightnow at Yes Pogi.

Bandang 100 metro ng labanan na lamang lumampas si Yes Pogi kasunod si Righthererightnow sa nanghihinang si Ibarra.

Umoras si Yes Pogi ng 2:08.8 sa 2,000 meter race.

Sumegundo si Righthererightnow upang sungkitin ang P500,000, tersero si Go Army na komopo ng P250,000 at 125,000 ang naiuwi ni Ibarra para sa fourth placer prize. Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply