Yes Pogi reresbakan si Gastambide

SUPER guwapito ang tingin ngayon ng mga karerista kay Yes Pogi matapos tanghaling kampeon sa prestihiyosong 38th PCSO Presidential Gold Cup na naganap noong Disyembre 12 sa Sta. Ana Park sa Naic, Cavite.

Sa darating na linggo muling masisilayan ang puting kabayong si Yes Pogi sa PHILTOBO Three-year-old Colts na gaganapin sa pista ng Sta. Ana bilang selebrasyon sa 11th Philtobo Grand Championship day.

Bagama’t deklarasyon pa lamang ang paglahok ni Yes Pogi ay inaasahan na rin itong si veteran jockey Manolito Fajardo Daquis ang rerenda sa nasabing kampeon.

May nakalaang P240,000 para sa unang kabayong tatawid ng meta, P90,000 ang sa segundo puwesto habang P50,000 at P20,000 ang maiuuwi ng third at fourth placers ayon sa pagkakasunod.

Ang ibang kalahok para sa distansyang 1,600 meter race ay sina Haz Halo, Thotis Best, Tayuman, Air Of Distinction, Invincible, Henry Hill at si Gastambide na minsan ng tinalo si Yes Pogi.

Samantala, walong kalahok naman ang mag-uunahan sa Fillies division na may parehong premyo at distansyang paglalabanan.

Ang mga nagdeklara ay sina Money Queen, Perfect Material, Happy Morning, Kristal’s Beauty, Woodsy Ribson, Compelled To Lead, Touch Of Gold at Tiger Moon. Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply