Zambales at Davao nilindol

NIYANIG ng lindol ang Zambales na may magnitude na 3.4, Biyernes ng madaling araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvolcs), naitala ang pagyanig bandang 2:17 a.m.

Nabatid na ang naturang lindol ay may epicenter sa 33 km southwest ng bayan ng Iba sa Zambales, ngunit hindi pa malaman kung saan partikular naramdaman ang pagyanig.

Samantala, nakaranas din ng pagyanig ang Davao Oriental na may magnitude na 3.9 noong madaling –araw ng Huwebes.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig bandang 4:29 a.m. ng Huwebes na may epicenter sa 96 km northeast  ng bayan ng Mati sa Davao Oriental.

Wala namang naitalang aftershocks at wala ring nasirang aria-arian.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply